Miyerkules, Oktubre 12, 2011

“CICT DAYS 2011”

        Miyerkules alas tres ng hapon, ika-24 ng Agosto taong 2011 ang opening n gaming CICT Days. Nagsimula ito sa parade na kinalahokan ng mga iba’t-ibang manlalaro ng bawat year level ng COMPTECH at IT COURSES, kasama ng mga ito ang kanilang mga muse. Kasama rin sa parade ang iba’t-ibang cos players suot ang kanilang pabulosong mga gayang anime characters.
          Matapos ang parade,nagkaroon ng isang programa sa may Activity Center. Ginanap ang patimpalak ng bawat muse na kinalahokan ng isa sa mga classmate ko. Siyam ang naglaban laban.
          Mayroon ding patimpalak ng mga cos players kung saan isa-isang rumampa ang mga ito at ipinakilala ang kanilang mga ginayang anime characters.
          Ilan din sa mga sinalihan ng aming seksyon ay ang basketball na sa kasawiang palad ay hindi pinalad na umabot sa finals. May lumahok din sa mga classmate ko troubleshooting at nanalo ng first place at sa networking na nanalo ng second place.
          

Martes, Oktubre 11, 2011

“Isang payo sa binhi”

Ang tikas at katanyagan ,
Isang iglap mawawalit
Sa paglipas ng sandali
Ay mawawala ang kisig
Di nga ba’t bawat araw,
Mang-aakit sumisidhi
Sa alok nilang kariktan,
‘wag lulusong kahit saglit.

Sa iyong puso at isip,
Payo ng Diyos ‘wag iwaglit
Sa tuwina siya’y sundin,
Bawat saglit siya’y purihin.
Kaloob niyang yaman at
Dunong ay itangi at mahalin,
Sa kasayahang may layaw
Hindi dapat na gugulin.

Sa mundong makasalanan,
Aliw ay panandalian,
Ang naglipanang alindog
Ay may pusong mapaglinlang
Subalit ang pag-ibig na
Tunay at marangal
Yaong kay Cristo at sa Diyos,
Siyang dapat panghawakan.

“Ang Mausyosong Maria Kapra” (Maikling Kwento)

Isang araw, nagbalak lumayo si Maria Kapra sa mga pook na dating pinupuntahan niya. “Gusto ko sanang makita ang ibang lugar,” sabi niya kay Dominiko. “Aba, e... mag-iingat ka,” sabi ng kanyang kaibigan. “Baka mapunta ka sa lugar na maraming pusa, hindi ka na namin makita. “Hindi ako maaano,” at ikinadkad ni Maria Kapra ang kanyang magandang buntot. “Dito,” aniya, wala nang makakapuna sa aking kagandahan. Marahil, sa ibang lugar makikilala naman ako.  At lumipad nang paunti-unti na palayo nang palayo si Maria Kapra. Nakarating siya sa isang hindi na niya nakikilalang pook. Maraming magagandang bahay ng mga tao at malaki ang mga halamanan. Sa isang halamanan, may natanaw si Maria Kapra na isang maliit na paliguan ng mga ibon. Nakita niyang naglalaro ang ilang maya. “Higit na maganda naman ako sa mga mayang iyon,” naisaloob ni Maria Kapra. Bumaba siya sa fountain at nakipaligo sa mga maya. Nakita niyang kumakaway ang  isang batang babae. Itinuturo siya sa isang tao. Ang ginawa ni Maria Kapra, tumayo siya sa gilid ng paliguan ng mga ibon at ibinuka ang kanyang magarang buntot. Naging  tulad sa isang munting abaniko ang buntot niya. Pumalakpak ang bata. Nagsasayaw sa tuwa habang pinagpapakitaan naman ni Maria Kapra ng kakisigan ng mga balahibo nito. At hindi pinansin ni Maria Kapra ang lambat na isinuklob sa kanya ng hardinero. Nagpapalag si Maria Kapra sa loob ng lambat. Ngunit hindi siya makawala. Inilagay siya ng hardinero sa loob ng hawla at ginawang laruan ng bata. Nagsisi si Maria Kapra sa pagiging usyoso at mayabang, ngunit huli na. Si maria kapra ngayon ay ginawa ng alaga ng hardinero at ikinulong siya nito. Malungkut si maria kapra sa kanyang sinapit , dahil hindi niya magawang lumipad gaya ng ibang mga ibon na nakikita niya sa labas ng bahay ng hardinero.